♥ What about this WEEK?
Posted July 25th, 2008 ♥ 6:43 am ♥ 857 words in this entry
Medyo mahaba ang post ko, SORRY Kung ayaw nyo basahin lahat, kahit man lang yun isang araw. Kung ayaw nyo padin? Wag na wag kayong mag li-leave ng comment na walang kwenta. Swear, kung ayaw mo ng kaaway. ‘Di ko kailangan ng mga walang kwentang comments, ang pwede lang mag comment yung may respeto sa akin, sa post at inkjolly ko. SALAMAT.
Mag simula tayo sa…
SATURDAY, July 19, 08 @ Enchanted Kingdom
Sina Tito Cesar, Tita Belen, Kuya Owen(cousin), Kuya Raymund(brother), Kuya Jackson(Balik bayan kong cousin, na sya ang dahilan kaya kami pumunta sa EK), Ako, Ate Janice, Ate Jeannie at si Ate Grace ang mga kasama sa EK, o Enchanted Kingdom. continue… ▼
Pagka dating namin dun, 3 o’clock, tingin tingin muna kami ng EK Map, tapos napagusapan namin na yung mga nakakabasang rides muna ang aming sakyan.  So, napagusapan naming sa Rio Grande muna, tutal pinakamalapit yun sa entrance.  Edi iyon, pila, pila!  Eh, sa mga ganung rides na nasa pabilog tapos mbabasa ka, laging si Kuya Raymund ang nababasa ng todo!  So, talagang predicted namin na sya nga ang mababasa ng todo~  Pero mali kami, nung unang pasada ng basaan, ako ang pinaka nabasa, pero yung sa kalagitnaan at pahuli…  Si Kuya Jackson, para talagang naligo ng ‘di ari.  Niloloko nga namin sya na bat di sya nag dala ng shampoo at sabon eh, gayung sya’y manliligo pala!
Tapos after nun, sakay kami sa Log Jam, hindi masyadong nakakabasa yun pero medyo kakapangigil dun sa baba na, pero wala parin sa kalagitnaan nung mga rides sa States. Then, ummm yung Anchor’s Away, kasi dun nung 9 Yo. si Kuya Raymund sumakay sya dun, nanginginig-nginig daw ang mga tuhod nya sabi ng mga pinsan ko! tapos ngayun, aba ang yabang na! Sabi parang “dinuduyan” ka lang. Kung sabagay totoo naman. Tapos sumakay kami dun sa pambatang roller coaster, akala namin 2 rounds yun so after nung first round akala namin may isa tapos biglang nag stop! Tapos na pala?! Grabe, ang boring dun ah! Pambata nga! Tapos ayun medyo napagod kami kaya bili muna ako ng nescafe ice, tapos milo freez kay ate Jeannie tapos dun sa iba fruit shakes. Tapos flying fiesta sila! Di ako sumakay dun baka mahilo nanaman ako katulad nung huling sakay ko dun. HAHAHA! Tapos nun nag Go Cart kami, WAA! ang sarap, para kang professional driver! tapos eh nabungo pako ni kuya Raymund!! Pumasa yung may tuhod ko pero okay lang, hindi naman masakit!
After nun eat muna kami dinner, then Perris Wheel… Kakalula dun sa tuktok! Para akong mahuhulog! Tapos sakay na kami dun sa Space Shuttle, yung roller coaster na mabagal ng konti tapos pabalebalentong! Dalawang beses! ADIK! HAHAHA! Medyo nahilo nga ako nung pangalawa, pero okay lang. Tapos Rialto kami about kay Spongebob, HAHAHA, kakatuwa!! Tapos aircon dun kaya nahilo si Kuya Raymund at si Ate Grace, kasi parang pawis na pawis kami tapos biglang malamig. TG, hindi ako nahilo. Tapos ayun, fireworks… Ang ganda nga eh! At pagod-na-pagod kaming umuwi… C_T
Maybe NEXT WEEK yung PICTURES
SUNDAY, July 20, 08 @ La Virginia Resort
Wala, nag swimming lang. Tska nag picturan! HAHAHA!
WEDNESDAY, July 23, 08 @ Robinsons Lipa
Sina Kuya Jackson, Kuya Owen, at si Ate Jeannie ang kasama ko sa Rob! Nagpagupit ako, (mamaya ko upload picture) then gala gala kami at tumingin ng skinny jeans for me, kasi balak ko na talaga bumili ng skinny jeans, so nakabili nga ako sa Bench, 700 pesos. (mamaya din ang picture) FIRST ever pants na nabili ko on my own money. Waaa, so special… :D Then bumili si kuya Jackson ng checkered na shorts, na nung una niloloko ko na “chekord” hahaha! Then nood kami ng sine, Batman the Dark Night. I’ll definitely miss Heath Ledger.
TODAY @ School
[Private Content Removed]
NOBELA ang POST ko. Eh ano ngayon? 
|
Bukas pa pala ang EK ngayon. Naku naalala ko tuloy nung sumakay kami sa Rio Grande, ako unang nabasa. haha. pero para saken isa na yan sa pinakaokay na ride eh tsaka yung Space Shuttle.
Ay ganun may issue agad? hehe. ganyan din samen nung hs ko pero iba na ngayon kasi college na ko. Oh well atleast hindi boring yung week mo diba?
wow grabe naman ang week mo.. dami mo ginagawa.. hehe gusto ko na ulit punta ek tagal ko ng di nakakapunta dun.. walang $$$ e.. haha
kamusta nman un db..puro gala & good time

at uyy my issue ka dyan sa skul ahh..iba na yan
yay! pero naunahan ka nina janice at jeni sa kwento. nagpadala din ng pics si jeni. ang saya-saya naman!
maiba tayo… uyyy nagdadalaga na si wanits!!!!!
syet, kakainggit kayo.. pumunta pala kayo sa enchanted kingdom? parang inubos niyo na yung mga rides dun ah? hahah!
woot! EK, the best theme park talaga yan. nasakyan ko na rin mga rides na nabanggit mo, except nun Anchors Away tsaka Space Shuttle. ayaw ng parents ko eh. haja.
fun! fun!
waa.. girl, sa EK muna ako comment ha! yun kasi talaga ang gusto kong puntahan last year pa. bwahahaha..
anyway, buti fun fun naman kayo ha~ sa rio grande ang fav ko eh.. next to space shuttle. haha.. kamusta naman at basang basa ka.. pati narin si Kuya raymund mo? dapat pag pupunta ng EK laging may extra shirt, bra, panty, pants. etc. haha.. diba diba.. ohhh~ miss ko na EK. huhu
yung picture!!!!! haha (ang demanding eh nu)
Excited nah ako sa pics! post mo huh?
Mukhang nag-enjoy ka bakit hindi mo ako sinama? hehehe…